Humakot ng papuri at kinainggitan si Kim Atienza sa pa-borta entry nito sa kanyang Instagram.
Wapakels na ipinangalandakan ni Kuya Kim ang topless body habang nakasuot ng helmet.
In black and white ang shot ni Kuya Kim na nagpapakita ng kanyang toned body.
Sinadya ang color separation sa larawan ni Kuya Kim para makita ang detalye ng cuts ng muscles sa kanyang katawan.
Masisipat ang mga abs o pandesal sa tiyan ng host.
Namumutok rin ang masel niya sa triceps at biceps. Alsado rin ang dibdib nya.
Tagumpay sa pang malakasan nyang work out si Kuya Kim.
Proud pang joke ni Kim sa caption ng post, “Ay napost.”
May close up shot pa chest ni Kuya Kim para iyabang ng mas malinaw ang ganda ng kanyang pigura.
Walang detalye kung para saan ang mga photo pero mukhang isa itong pictorial.
Maraming mga celebrity ang napa-reak sa topless borta body ni Kuya Kim gaya nina Jerald Napoles, Kims Molina, Rica Peralejo, Jodi Sta. Maria, Jak Roberto, Ryan Agoncillo, Vina Morales, Wendell Ramos at marami pang iba.
Lahat ay bumilib sa physique sa infomative news anchor.
Trending
- Joey Salceda may ‘mataas na posisyon’ sa PBBM admin
- Eastern Visayas ang Mapana, Northern Samar gagawing fishery hub
- Higit P29m droga, nakumpiska sa Pasay
- Top 1 most wanted sa Occ. Mindoro tiklo sa Bulacan
- Comelec nagsimula na sa disposal ng ‘di nagamit na balota sa BARMM poll
- ‘Pinas magbubukas ng mga embahada, konsulada sa ibang mga bansa
- P2.6m ismagel yosi nasamsam sa Cotabato
- Bea, suot pa rin ang singsing
