Nagsaboy ng kilig ang programang “Mirasol Academy” ng Abante nang ibunyag na nililigawan ulit ni Kris Lawrence si Katrina Halili!
Sa kuwentuhan nga ng mga program host noong April 12, isiniwalat ni Rodel Fernando ang pag-amin ni Kris.
“Ang sabi lang ni Kris sa akin, “Ma, nililigawan ko pa lang”,” kuwento ni Rodel.
Hirit naman ng kanyang co-host na si Mildred Bacud, “Oy, first time niyo narinig ‘yan ah! Scoop natin ‘yan sa Marisol Academy ha!”
Dagdag pa ni Rodel, “Kasi may lumabas na parang niligawan na niya, parang okay na, sila na. Pero wala pa sa gano’n. Nililigawan pa lang ni Kris Lawrence.”
Aprub naman kay Mildred ang muling panliligaw ni Kris at sinabing “Siyempre naman. Kapag nagkahiwalay, back to basic. Kailangan, ligawan mo.”
Hindi na rin nga napigilan ni Rodel na mapakanta dahil sa pasabog ng singer. “Ngayon ako naniniwala na pagdating ng panahon, baka ikaw rin at ako.”
“And love is sweeter the second time around,” komento naman ni Mildred.
Nauna rito ay inamin din umano ni Kris kay Rodel na hiwalay na sila ng dati niyang girlfriend.
====
Trending
- Delos Santos nagwagi ng 3 ginto sa Asian weightlifting
- Rene Baterbonia merchandise ibinebenta sa P650 ang jersey, P350 ang keychain
- Fans, masaya sa pagbabalik ni Kris sa limelight!
- Dimples, kinulit sa advice para kay Bea
- Kier at anak na si Dani, magkasundo na
- Hagonoy, Bulacan isinailalim sa State of Calamity
- ASF kumalat na sa 5 barangay sa Bacolod
- 132 motorsiklo, na-impound sa Oplan Lambat-Bitag sa Kabacan

