Kasama ang anak na si Bimby, ginugunita ni Kris Aquino ang ikalimang death anniversary ng kanyang kuya at dating Pangulong Noynoy Aquino nitong June 24.
Pumanaw si Noynoy sa edad na 61 dahil sa renal disease secondary to diabetes.
Maaga pa lang ay nagtungo na ang mag-ina sa Manila Memorial Park.
Six thirty ng umaga ‘yon para makaiwas sa tindi ng sikat ng araw which could worsen Kris’ condition.
Post ni Kris: “Sun exposure is a major trigger for a lupus flare.”
Dahil din sa pabagu-bago ng panahon, ani Kris ay lumala ang kanyang rheumatoid arthritis: “Our weird weather made me suffer from the worst rheumatoid arthritis flare.
“My right knee is so swollen and with many bone protrusions. But I keep my word despite going through the worst body pain.”
Samantala, larawan ng proud mom si Kris dahil sa mga papuring natanggap ni Bimby on his guesting on Eat Bulaga.
Nag-viral at nag-trending kasi ang kilig moments nila ni Ryzza Mae Dizon who got reunited after several years.
Trending
- Lady Red Spikers nakamit ang ikalawang tagumpay
- Qatar tinambakan ang Iran 9 days bago ang opening ceremony ng Asian Games
- Isabelle Daza nagregalo ng cellphone sa tindera
- Katherine Luna fan mode nang makasama mga sikat na artista
- Dina Bonnevie sobrang love ang manugang niyang si Kristine Hermosa
- BARMM elections madugo
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre
- 55 wildlife traders, timbog sa operasyon ng DENR
