Ikinagulat at ikinasaya ng studio audience at maging ng netizens ang biglang pagbisita ni Queen of All Media Kris Aquino sa live telecast ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga” noong Huwebes, Hunyo 26.
Nagsadya si Krissy sa studio ng Eat Bulaga para magpakita ng suporta sa bunsong anak na si Bimby Aquino, na ilang araw na ring guest co-host sa nabanggit na programa, at “katambal” ni Ryzza Mae Dizon.
Matatandaang kinakiligan ng mga netizen ang reunion ng dalawa sa nabanggit na noontime show, at marami pa ngang humihirit na gawing “AlDub 2.0” ang dalawa.
Sinalubong naman ni Ryzza si Kris, nagmano, at yumakap dito.
Kinaaliwan naman ng mga netizen ang hirit ni Kris, na kahit may mga iniindang sakit, hindi pa rin talaga nawawala ang kataklesahan at pagiging witty, mga katangiang minahal sa kaniya ng mga tao.
Aniya kay Ryzza, “Mag-kiss ka sa future mother-in-law mo!”
May piece of advice naman si Kris para kay Ryzza, matapos niyang mabalitaan ang karanasan nito noon, na nakaranas daw ng pang-aapi.
Marahil, ang tinutukoy ni Kris ay ang naging pagbubukas ni Ryzza sa naging karanasan niya noong kabataan niya, sa panayam sa kaniya sa “Toni Talks” ni Toni Gonzaga-Soriano.
“I love you. Doon sa nabalitaan kong nang-aapi sa ‘yo, don’t mind them because success is the best revenge.”
Pinuri pa ni Kris si Ryzza na ang laki raw ng iginanda.
“Ang laki ng ginanda mo. I think dahil may nagpapaganda sa ‘yo,” biro naman ni Kris sabay sulyap sa anak na si Bimby, na ikinakilig naman ng lahat.
Isa pa sa kinakiligan ng lahat ang suot na damit ni Bimby kung saan may letrang “R” ito, bagay na personal daw na binili ni Kris para sa anak.
Sa huli, sinabi ni Kris na mahal niya ang Dabarkads, at willing yata siyang maging guest host din kagaya ni Bimby.
Hirit naman ng mga netizen, sana raw ay bigyan ng teleserye o pelikula together sina Bimby at Ryzza, dahil bagay raw sila.
=====
Trending
- P1.3-m Ismagel yosi nasamsam sa Sarangani
- Pekeng water delivery boy nagnakaw sa faculty room
- ASEAN police, bubuo ng task force vs online scam
- Ginang huli sa pagpapakalat ng bomb threat sa iskul
- Bahay ni Torre sa Davao pinasok ng baha
- P2.5m iligal na mantika nasamsam sa Batangas
- Babaeng manager patay sa ambush
- Patrolman, arestado sa panggagahasa ng 14-anyos
