Nasawi ang isang konsehal ng Bayambang, Pangasinan nang sumalpok ang minamanehong sasakyan sa San Carlos City.
Kinilala ang biktima na si Jan Nazer David Junio, 25, na naaksidente 11:00 ng gabi nitong Huwebes, Hulyo 2.
Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, mabilis ang pagmamaneho ni Junio sa kahabaan ng provincial road sa Barangay Turac nang bumangga ito sa konkretong harang ng isang tulay.
Dahil sa matinding pinsalang tinamo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, isinugod siya ng mga rescuer ng San Carlos City Disaster Risk Reduction and Management Office sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City, nguni’t idineklarang patay.
Malubha ring napinsala ang sasakyan ni Junio, na pansamantalang ipinagkatiwala sa mga opisyal ng Barangay Turac habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Samantala, nagpahayag ng matinding pagdadalamhati si Bayambang Mayor Nina Jose-Quiambao sa pagpanaw ng konsehal, na kilala rin bilang “Kulas”.
“Kulas was a true friend with a genuine heart for our people. Ang kanyang sigla, dedikasyon, at tapat na paglilingkod ay mag-iiwan ng malalim at permanenteng bakas sa puso ng buong Bayambang,” ayon sa alkalde.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan
