Love wins, really.
Kulang na lang, ipagsigawan ito ng rumored lovebirds na sina Janella Salvador at Klea Pineda.
Hindi nga nila inililihim ang kanilang love for each other–todo na ‘to!
In her latest Instagram post, for the nth time ay muling ipinagbanduhan ni Klea ang pagmamahal toward Janella.
Ito’y sa pamamagitan ng isang video in celebration of Janella’s birthday.
Sa kanilang intimate dinner, makikita ang OA na panunuyo ni Klea habang pinupunasan ang pisngi ng birthday girl.
Nakahilig naman ang fez ng Kapamilya actress sa balikat ni Klea–while facing the mirror and taking shots.
Boses ni Klea ang umaalingawngaw as she expressed how grateful she is at napakasuwerte.
Emote ni Klea: “Masuwerte ang mga taong minamahal mo at isa na ako sa kanila. Masuwerte ako dahil nakilala kita. Dahil ako ang nakakakita ng bahaging mas totoo na hindi madalas nasisilayan ng iba.
Sa bawat simpleng ngiti mo, parang humihinto ang mundo ko at ikaw na lang ang natitira sa paningin ko.”
Ayon pa kay Klea, si Janella daw ang tahimik niyang tula at paboritong himig sa mundong ito.
Tinawag ding “my Janjan” ni Klea si Janella–first syllable ng pangalan nito.
At least, hindi ng apelyido nito!
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

