“She’s not a thief.”
Ito ang naging sagot ni Veronica “Kitty” Duterte nang tanungin tungkol sa impeachment proceedings laban sa kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte.
Si Kitty ay kasalukuyang nasa The Netherlands para bisitahin ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na naka-detain pa rin sa The Hague dahil sa mga alegasyon ng crimes against humanity kaugnay sa war on drugs.
Ani Kitty, hindi pa niya nakakausap ang kanyang ama patungkol sa nangyayaring impeachment proceedings ng kanyang kapatid.
“That I haven’t discussed with my father also because we don’t want to add to his burdens. With that naman, I have no comment with the… With the political side of it,” sinabi pa nito.
Sa kabila nito, naniniwala naman si Kitty na si Sara ay inosente.
“But I know my sister. I know that she can be many things. But she’s not a thief. She’s not dishonest. So I know that she can withstand what she’s going through right now. Because she has her truth. And at the end, that will prevail,” dagdag pa niya.
Matatandaan na nagsimula na ang House justice panel ng serye ng impeachment hearings noong Marso 25.
Nakatakda naman ang susunod na pagdinig sa Mayo 4. Hindi naman dumalo ang Bise Presidente sa kahit alin sa mga nangyaring pagdinig.

Share.
Exit mobile version