Bumagsak ang bahagi ng kisame ng condominium building sa Samar Avenue, Barangay South Triangle, Quezon City sa kasagsagan ng malakas na ulan at hangin nitong Lunes ng umaga.
Ayon sa nakakitang barangay enforcer na si Norwin Estandarte, 8:30 ng umaga nang matanggal ang bahagi ng kisame mula sa 17 palapag na residential tower.
“Parang may sumabog, akala ko transformer. Tapos nakita ko nagkalat-kalat na, kisame pala,” saad ni Estandarte. “Kinakabahan ako kasi ang lakas ng pagsabog talaga.”
Mabilis namang nalinis ang mga debris mula sa kisame, pero tinamaan ang kable ng kuryente dahilan para pansamantalang maputol ang power supply sa condominium.
Sa statement ng Filinvest land, may isinagawang precautionary steps na ang kanilang property management team at naglagay na rin sila ng mga safeguard para maiwasan na muling mangyari ang insidente.
===
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

