Binarag ni Jerald Napoles ang netizen na nambalahura sa asawa niyang si Kim Molina.
Pinatulan nga ng singer-actor ang maepal na netizen-basher sa kanyang social media post.
Ayon kasi sa bastos na basher: “Buntisin mo para mawala kembot. Hahaha!”
Ito ang nagpainit ng ulo ni Jerald na rumesbak ng: “Pakigalang ‘yung asawa ko. Kung makautos kang buntisin, walang respeto, eh!
“Choice ng asawa ko kung kelan niya gusto. Her body, her choice!”
Ipinost naman ni Kim ang screenshot ng depensa sa kanya ni Jerald, with matching pagpapaabot ng pasasalamat sa mister.
Ani Kim: “When people go beyond overboard na para bang wala kang choice…buti na lang, nandiyan ka, Jerald Napoles. Forever grateful to you!”
Inamin din ni Kim na hangga’t maari’y hindi niya pinapansin ang mga negative comments.
Dagdag niya: “But I shared my husband’s reply to show how important it is to have people we love, support us in our decisions we make for ourselves. Importante ‘yun…we need to respect each other’s wishes and personal goals!”
Sumang-ayon naman kay Kim ang mga netizens as to her decision.
Hindi nga naman daw biro ang magbuntis, that requires preparedness: “Lalo sa inyo, bagong kasal. Mas maigi, enjoy na muna. Salute din kay Jerald!”
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

