Patay ang 44-anyos na lalaki nang paghahampasin ng baseball bat sa San Carlos City, Pangasinan noong Biyernes, May 15.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nakita ang biktima na duguan at wala nang buhay.
May sugat ito sa kanyang ulo na dahilan umano ng kanyang pagkasawi.
Sa tulong ng mga testigo at pamilya ng biktima, nakilala ang suspek, na 22 taong gulang at residente ng nasabing lungsod.
Ayon sa pamilya ng biktima, nag-usap umano ang suspek at biktima sa cellphone at nagbantaan ilang oras bago ang krimen. Matapos nito ay umalis umano ang biktima sa kanilang bahay.
Naituro rin ang suspek ng kanyang mga kasama dahil nakita nila ang ginawa nitong krimen.
Selos ang lumalabas na motibo ng krimen nang nalaman ng suspek na iisa lang ang kanilang nobya.
Naiakyat na sa piskalya ang reklamo laban sa salarin.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

