Nasawi ang 56-anyos na lalaki nang pagsasaksakin ng kainuman habang nag-iinuman sa Barangay New Pangasinan, Koronadal City, madaling araw ng Agosto 6.
Batay sa ulat ng Koronadal City Police Station, 2:35 ng madaling araw nang ipagbigay-alam ng barangay captain ang insidente.
Agad namang rumesponde ang mga pulis at pagdating sa lugar ay natagpuan ang biktima na wala nang buhay at duguan.
Kinilala ang biktima sa alyas na “Con,” isang 56-anyos na magsasaka, binata, at residente ng nasabing barangay.
Ayon sa imbestigasyon, isang 40-anyos na delivery rider ang nagsabing nakatanggap siya ng mensahe mula sa kanyang hipag na nasa ibang bansa.
Sa chat, umamin umano ang kanyang pamangkin na si alyas “Gil,” residente ng Barangay Maibo, Tantangan, South Cotabato, na siya ang sumaksak sa biktima gamit ang isang patalim habang sila ay nag-iinuman.
Sa isinagawang technical investigation ng Koronadal City Police Station at South Cotabato Provincial Forensic Unit, napag-alamang nagtamo ang biktima ng apat na saksak sa bahagi ng tiyan na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Matapos ang isinagawang crime scene processing, dinala ang labi ng biktima sa punerarya para sa kaukulang disposisyon.
Patuloy namang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang mga awtoridad upang madakip ang suspek na nananatiling pinaghahanap.
Trending
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet
- Topacio at Ogei bati na
- Netizens kinulit si Pia
- Carlos Yulo target na makamit ang unang gintong medalya sa Asian Games
- Alex Eala paldo ng $5.5M kung magrereyna sa US Open
- Faith healer patay sa saksak habang tulog
- 2 patay, 4 sugatan sa salpukan ng SUV at trak

