Mukhang sobrang in love ang singer na si Katy Perry kay dating Canadian Prime Minister Justin Trudeau.
Sa isang larawang ipinost ni Katy sa Instagram, makikitang malagkit ang titig nito kay Justin. Nakatingin naman si Trudeau sa camera.
“Never knew karma could be so rewarding,” ang nakalagay na caption sa naturang post.
Sa iba pang larawan ni Katy, makikitang napakaaliwalas ng mukha nito kaya mukha raw happy ito sa anumang namamagitan sa kanila ni Trudeau.
Unang nabalitang nagde-date sina Katy at Trudeau nang maispatan silang nagdi-dinner sa Montreal, Canada noong nakaraang taon.

Share.
Exit mobile version