Humataw agad ang bagong tambalan nina Kathryn Bernardo at James Reid matapos manguna sa Netflix Philippines ang kanilang seryeng “Someone, Someday.”
Sa loob lamang ng 12 oras matapos itong ipalabas sa streaming platform, agad na umakyat sa Top 1 ang serye.
Dahil dito, nakapagtala ito bilang bagong pinakamabilis na Filipino series na nakakuha ng unang puwesto sa Netflix Philippines.
Nalampasan ng “Someone, Someday” ang naunang record na hawak ng “2 Good 2 Be True,” ang teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na ipinalabas noong 2022.
Sa kasalukuyan, pumangalawa na lamang ang naturang KathNiel series, habang nasa ikatlong puwesto naman ang “Can’t Buy Me Love” nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Dahil sa panibagong milestone na ito, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga kay Kathryn at nagsabing muli nitong pinatunayan ang lakas ng kanyang hatak sa mga manonood.
May ilan ding nagsabing isa na namang malaking tagumpay ito sa kanyang pagbabalik sa paggawa ng serye.
Bukod sa pagiging bida ng dalawang pinakamabilis na Pinoy series na nag-Top 1 sa Netflix Philippines, si Kathryn din ang may hawak ng unang dalawang puwesto sa listahan ng highest-grossing Filipino films of all time.

Share.
Exit mobile version