Nasa kustodiya na ng pulisya ang isang kasambahay nang umamin na ninakaw niya ang halos P4 milyong halaga ng alahas mula sa kaniyang 73-anyos na employer sa Barangay Ugong Norte, Quezon City.
Ayon sa pulisya, natuklasan ng biktima, isang businesswoman, na nabuksan ang kaniyang jewelry box habang inaayos ang kaniyang personal na gamit dakong alas-5:30 ng hapon nitong Miyerkules, Hulyo 1.
Kalaunan, nakumpirma ng biktima na nawawala ang tinatayang P4 milyong halaga ng alahas at kinompronta ang suspek, na kinilala lamang sa alyas na “Mary Ann,” na umamin sa pagkuha ng mga alahas.
Inaresto ng subdivision security personnel ang suspek at itinurn-over sa Eastwood Police Station (PS 12).
Ayon sa mga imbestigador, halos tatlong buwan nang nagtatrabaho bilang household helper ng biktima ang suspek.
Inihahanda na ang reklamong qualified theft para sa inquest sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Pinaalalahanan naman ni Quezon City Police District Director Randy Glenn Silvio ang publiko na beripikahin muna ang pagkakakilanlan at references ng mga household helper bago sila tanggapin sa trabaho.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan
