Upang maiwasan umano ang pagboto base lamang sa kasikatan ng mga kandidato, nais ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na obligahin ang lahat ng tatakbo sa eleksyon mula pangulo hanggang konsehal na sumali sa mga debate.
Ito ang nakapaloob sa House Bill (HB) 9297 o “Responsible and Accountable Election Campaign Act” na inihain ng mambabatas upang masukat umano kung may kakayahang mamuno ang mga kandidato.
“Election should not be reduced to popularity contest or entertainment-driven campaigns. The people deserve to know the plans, qualification, and policy directions of those seeking public office,” ani Erice sa kanyang panukala.
Base sa nasabing panukala, hindi lamang mga presidential, vice presidential, senatorial candidate ang dapat sumali sa debate kundi congressional candidate at mga kandidato sa pagka-gobernador, vice governor, mayor, vice mayor at mga konsehal ng bayan at lungsod.
Pangangasiwaan ng Commission on Election (Comelec) ang campaign debates at public forums para masukat kung may kakayahan ang mga kandidato sa larangan ng ekonomiya, edukasyon, healthcare, infrastructure, peace and order, environment at governance.
Sinabi ni Erice na layon ito na magkaroon ng ideya ang mga botante na maikumpara ang bawat kandidato na makakatulong sa kanila kung sino ang nararapat nilang ihalal para sa kapakanan ng mamamayan at bayan sa kabuuan.
“Candidates aspiring for public office must be willing to face the people, explain their programs and ansuwer difficulth questions. Public service demands transparency and accountability,” paliwanag pa ni Erice sa kanyang panukala.
Nakasaad sa panukaa ng mambabatas na sinumang kandidato na tumangging humarap sa debate ay pagmumultahin at ididiskuwalipika subalit bibigyan aniya ang mga ito ng due process.
“This measure is about strengthening democracy by encouraging informed voting and responsible leadership,” ayon pa kay Erice.
Noong presidential election, maraming nanalong kandidato ang hindi humarap sa debate tulad nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte.
Trending
- DENR, iimbestigahan ang mga naiulat na earth-balling activities
- PhilHealth, healthcare provider, palalakasin ang Universal Health Care
- 3 tulak tiklo, P13.6m shabu nasamsam sa Zambo
- Salpukan ng 2 trailer trucks: 1 patay
- Bebot huli nang kumubra ng P38m corporate funds
- Tulay sa Maasim winasak ng malakas ng ulan
- Taxi na dugyot, lagot sa LTFRB
- MILF commander pinaulanan ng bala sa loob ng bahay

