Malubhang napinsala ang bagong aspaltong bahagi ng National Highway sa bayan ng Parang nang gumuho at matangay ng rumaragasang baha na dulot ng tuloy-tuloy na malakas na pag-ulan.
Sa mga larawang kuha sa lugar, makikitang bumigay ang bagong sementadong bahagi ng kalsada habang rumaragasa ang tubig-baha, dahilan upang hindi na ito madaanan nang ligtas ng mga motorista.
Ayon sa mga ulat, mabilis na tumaas ang lebel ng tubig sa naturang highway hanggang sa hindi na nito kinaya ang malakas na agos, na nagdulot ng pagguho ng bahagi ng kalsada.
Dahil sa insidente, pansamantalang naapektuhan ang daloy ng trapiko at pagbibiyahe ng mga residente at motorista na dumaraan sa naturang ruta.
Patuloy namang isinasagawa ng mga kinauukulang ahensya ang pagtatasa sa lawak ng pinsala at ang agarang hakbang para sa rehabilitasyon ng nasirang bahagi ng highway.
Pinapayuhan ang mga motorista na maging maingat at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad habang nagpapatuloy ang masamang panahon.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
