Nagbabala si Kakai Bautista sa kanyang mga bashers matapos makatanggap ng sunod-sunod na hate messages dahil sa pagsuporta niya sa relasyon nina PBA courtside reporter Apple David at Chad Gammad.
Sa panayam ni Ogie Diaz, ibinunyag ng singer-actress na nakahanda na ang kanyang abogado sakaling magdesisyon siyang magsampa ng kaso laban sa mga naninira sa kanya online.
“Ang dami kong mga hate messages sa Instagram–– they call me names. Hindi ako nasasaktan kasi it’s not true. I won’t be hurt by something that is not true, that is not me–– pedo, groomer, enabler,” ani Kakai.
Ayon pa sa kanya, mabigat ang paggamit ng salitang “pedo” kaya bago pa man siya makipag-ugnayan kay Apple David tungkol sa isyu ay kumonsulta na siya sa kanyang abogado.
“Pedo is such a very strong word and before all of this and before consulting and reaching out to Apple David, I already talked to my lawyer,” dagdag niya.
Ipinaalala rin ni Kakai sa mga content creator at netizen ang umiiral na Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
“Nakakalimutan kasi ng mga content creator ngayon na there is a Cybercrime Act na puwede kayong makulong, na puwede kayong maganito, puwede kayong masita. So, minsan nakakalimutan din natin yun na sige lang… Para sa akin, before you throw a lot of hateful words sa akin, please verify and validate all your facts. Kasi for me, I did not do anything wrong by enabling happiness,” pahayag niya.
Sinabi rin ni Kakai na para sa kanya ay sumosobra na ang cancel culture dahil marami ang agad humuhusga nang hindi muna inaalam ang buong katotohanan.
“Natanong niyo ba, napunta ba kayo sa ganun? Akin, ang take ko diyan is pabayaan ko na–– hayaan ko nalang. Pero, once pumitik ako at grabe na kayo, there’s a lawyer who’s just waiting,” babala niya.
Iginiit ng aktres na may hangganan ang lahat at handa siyang lumaban kung lalo pang lalala ang pambabatikos laban sa kanya.
“Tandaan niyo lahat yan may hangganan and it’s very detrimental to your mental health that you stay on social media. Guys, you have to get a life in real life, not in your reel life. There’s life outside social media,” pagtatapos ni Kakai.
======
(vice)
Trending
- ALEX EALA KAMPEON SA WTA 500
- Call Center Agent, natagpuang patay sa liblib na lugar
- 5 sasakyan inararo ng Army crane truck: 14 sugatan
- Rider todas sa salpukan ng bus at motorsiklo:
- Tulak habambuhay kulong
- Pinoy seafarer patay sa pag-atake sa Black Sea
- Pastor patay sa ambush
- Paras wala pang natatanggap na subpoena mula NBI
