Tuloy-tuloy ang “ligaya” ng magkasintahang sina Kaila Estrada at Daniel Padilla at pagiging wapakels sa kaliwa’t kanang viral photos nila sa socmed na magkasama.
Ikinakilig ng marami ang na-zoom in shot na kamay ni Kaila na nakahawak sa legs ni Daniel habang nasa yate ang magkasintahan kasama ang kanilang kaibigan.
Nakahiga si Kaila sa tabi ni Daniel na noo’y nakaupo at nakikipag-tsikahan sa kaibigan.
Makikita sa ilang mga fan account sa IG ang na-magnify na shot kung saan masisipat ang kamay ng aktres na nakadantay o nakahawak sa binti ng action actor.
Isang video naman ang nagpapakitang nasa isang casual eatery o resto na magkaharap at nagu-usap.
Walang duda na kuha ang mga ito sa nakaraang bakasyon ng dalawa sa isang island resort.
Viral rin ang presensiya ni Kaila sa birthday celebration ni Daniel sa isang Japanese restaurant.
May isang video rin na nasa tabi si Kaila habang kinakantahan ito ng ilang mga kaibigan sa restaurant rin.
Tuluy-tuloy rin sa pagpapaunlak ang dalawa sa mga tao na gustong magkaroon ng photo op sa kanilang dalawa.
Matagal nang hindi problema kina Kaila at Daniel ang exposure nilang dalawa na magkasama sa mga publikong lugar, dahilan para purihin sila sa hindi nila pagtatago sa madla.

Share.