Kinumpirma ni Atty. Mark Tolentino na nakapaghain na rin ng piyansa sa Pasay Regional Trial Court (RTC) ang isa pa niyang kliyente na si Ka Eric Celiz.
Ayon kay Atty. Tolentino, naglagak ng P36,000 na piyansa si Celiz sa kasong unlawful publication in relation to cybercrime, sa Pasay City RTC Branch 119.
Ang naturang kaso isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng sinasabing post ni Celiz tungkol sa kalusugan ng Pangulong Bongbong Marcos.
Bunga nito, sinabi ni Atty. Tolentino na walang ligal na basehan para arestuhin si Celiz.
Una nang nakalaya si Jay Sonza nang magpiyansa sa kaparehong kaso.
Trending
- P1.3-m Ismagel yosi nasamsam sa Sarangani
- Pekeng water delivery boy nagnakaw sa faculty room
- ASEAN police, bubuo ng task force vs online scam
- Ginang huli sa pagpapakalat ng bomb threat sa iskul
- Bahay ni Torre sa Davao pinasok ng baha
- P2.5m iligal na mantika nasamsam sa Batangas
- Babaeng manager patay sa ambush
- Patrolman, arestado sa panggagahasa ng 14-anyos
