Kinilig ang mga fans nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz matapos ibahagi ng singer-actress ang isang sweet at emosyonal na birthday message para sa kanyang boyfriend na agad pinag-usapan sa social media.
Sa simula pa lang ng kanyang mensahe, tila ipinahiwatig na ni Julie Anne na si Rayver ang lalaking nais niyang makasama habambuhay.
“Happy Birthday to the man I want to grow old with,” bungad ni Julie Anne.
Sinundan pa niya ito ng mas makahulugang mensahe para sa aktor.
“Words are not enough to describe how special it is that I get to love you and be loved by you – to hold you through the storms, to treasure the quiet moments in between and to witness how you achieve your dreams as they take flight,” patuloy niya.
Ipinahayag din ng aktres kung gaano siya kaproud sa bawat tagumpay ng kanyang nobyo.
“I want you to know how proud I am of you and of everything you do, even the things you think are unnoticed,” mensahe pa niya.
Nangako rin si Julie Anne na mananatili siyang katuwang ni Rayver sa anumang pagsubok.
“And when life isn’t kind, remember that no matter what, you’ll always have me by your side,” pangako ng aktres.
Kasabay nito, ipinagdasal niya ang mas marami pang biyaya para sa bagong taon sa buhay ng actor-dancer.
“I pray that this new chapter brings you countless blessings that go far beyond what you can imagine and happiness that your heart truly deserves,” aniya.
Mas lalo pang kinilig ang kanilang supporters nang tapusin ni Julie Anne ang kanyang mensahe sa isang matamis na pangako.
“Ray, I love you in this life and every life,” pahayag niya.
Hindi rin nagpahuli si Rayver at agad na nagpasalamat sa comment section.
“Thank youuu my loveee huhu i love you so much forever and ever napaka swerte ko na andyan ka sa tabi ko palagi,” sagot ng aktor.
Dahil sa kanilang palitan ng mensahe, maraming netizens ang nagsabing tila wedding vows na ang dating ng birthday greeting ni Julie Anne.
Marami rin ang nagsabing mas lalo silang napaasa na baka hindi na rin magtatagal bago marinig ang wedding bells para sa dalawa.
=====

Share.
Exit mobile version