Isiniwalat ni dating Albay Governor at Representative Joey Sarte Salceda na magkakaroon siya ng mataas na posisyon sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
“I am taking a very high position in the administration,” ani Salceda sa gitna ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan nitong June 12.
Ang mambabatas ang special guest ng Polangui, Albay sa 128th Philippine Independence Day celebration nitong Biyernes.
Hindi sinabi ni Salceda kung saan at ano ang “very high position” na iaatang sa kanya ng pamahalaan at malalaman na lang aniya ito sa mga susunod na araw.
Ayon sa Facebook post ng youth organization page na Kay Salceda Ako, kilala si Salceda sa kanyang malalim na kaalaman sa ekonomiya at repormang piskal.
Nag-iwan din siya ng malaking marka bilang isa sa mga pangunahing utak sa likod ng mahahalagang batas na nagpalakas sa ekonomiya ng bansa at nagpalawak ng oportunidad para sa milyon-milyong Pilipino.
Mula sa pagiging kinikilalang “Best Economist” sa Asya hanggang sa pamumuno sa mahahalagang komite sa Kongreso, dala niya ang karanasan, integridad at bisyon na kinakailangan sa mas mataas na antas ng pamahalaan.
Trending
- Joey Salceda may ‘mataas na posisyon’ sa PBBM admin
- Eastern Visayas ang Mapana, Northern Samar gagawing fishery hub
- Higit P29m droga, nakumpiska sa Pasay
- Top 1 most wanted sa Occ. Mindoro tiklo sa Bulacan
- Comelec nagsimula na sa disposal ng ‘di nagamit na balota sa BARMM poll
- ‘Pinas magbubukas ng mga embahada, konsulada sa ibang mga bansa
- P2.6m ismagel yosi nasamsam sa Cotabato
- Bea, suot pa rin ang singsing
