Matunog na ‘I love you’ ang pinakawalan ni JM De Guzman sa harap ng maraming tao para sa dyowa niyang si Donnalyn Bartolome.
Well, obyus naman na lulong na lulong si JM sa pag-ibig kay Donna. At bakit naman hindi? Eh, super ganda, super seksi, at mabait naman talaga si Donna, na madali talagang mahalin.
Sa advance screening ng serye ni JM na ‘My Bespren Emman’, kasama sina Shaina Magdayao, Sid Lucero, todo suporta nga si Donna, na nasa malayong lugar lang sa loob ng sinehan ng Gateway Cinema 12, at tahimik na nagu-obserba sa mga nangyayari sa paligid.
At siyempre, pagpapakita `yon ng pagmamahal niya kay JM, na nakakaloka pala, dahil pati pala ang patuloy na pagganda ng katawan ng aktor ay ginagabayan din ni Donna.
Sa chikahan kay JM, sinabi nga naming todo kayod na siya, at mukhang naghahanda na siyang pakasalan si Donna, ha!
“Hahahaha! Pero isa sa mga goals ko `yan!” sabi ni JM.
Isa mga goal mo ngayong 2026 o sa susunod na taon?
“Opo!” sagot niya.
For this year?
“Ay, hindi pa! Hahahaha!” pagtutuwid ni JM.
At `yun na nga, naikuwento ni JM na pati ang pagpapaganda ng katawan ay nakakasama niya si Donna. Malaking tulong din daw ang inspirational series nila na ‘My Bespren Emman’ para lalong tumibay ang pananalig niya sa Diyos.
“Dahil sa series na ito, na-renew ang connection ko with God.
“Mentally kaya kong sabihin ko na sige, mag-workout ka, ibahin mo lifestyle mo. Pero nung spiritually reconnected ako, mas kinaya ko `yung… hindi na ako masyadong kumakain ng may sugar, hindi na rin ako nagka-karne, hindi na rin ako umiinom, wala nang alak, walang soft drinks.
“Malinis na talaga ang lifestyle ko, araw-araw ako nagwu-workout.
“Si Donna, siya ang aking nutritionist. Siya ang nagbabantay ng pagkain ko. Pag nagki-crave ako, siya ang nagtatago ng pagkain. Siya ang nagpi-prepare ng tubig, basta lahat. Hahahaha!” sabi ni JM.

Share.
Exit mobile version