Aminado ang aktor na si JM de Guzman na dumaan siya sa yugto ng kanyang buhay kung saan tila nawala ang kanyang koneksyon sa Diyos.
Sa mediacon ng seryeng “My Bespren Emman,” ibinahagi niyang sakto ang pagdating ng proyekto sa panahong kailangan niya ng direksyon at paghilom.
“I lost my relationship with God and this show helped me reconnect with Him. Naalala ko ‘yung pumunta si Direk Derick (Cabrido) sa condo namin (at) kinukuwento niya ‘yung istorya, ‘yung karakter, backstory iyak lang ako nang iyak,” kwento nito.
“Kasi nataon na kailangan ko talaga sa buhay ko ngayon. Kailangan ko si God, kailangan ko si Emman sa buhay ko ngayon,” emosyonal niyang pahayag.
Ayon pa kay JM, habang ipinapaliwanag ang kuwento ng kanyang karakter, hindi niya napigilang mapaiyak dahil ramdam niyang sumasalamin ito sa kanyang pinagdaraanan.
Dagdag pa niya, ang mga naranasan niyang depression at anxiety ay naging daan para mas maintindihan niya ang sarili at mas mapalapit muli sa pananampalataya.
Malaki rin ang naitulong ng kanyang mga co-stars na sina Shaina Magdayao, Sid Lucero, at Ai-Ai delas Alas, na naging sandigan niya sa mga emosyonal na eksena.
Sa ngayon, kapansin-pansin ang mas magaan na aura ng aktor, senyales ng unti-unti niyang pagbangon mula sa mga personal na pagsubok.
====
Trending
- Manila AQ Prime Assets, Itinaas ang Rekord sa PCAP sa 4–0
- BSKE: TRO hiniling ni Macalintal sa urgent motion
- Pekeng hotel accomodations, nauuso sa “ber months” : Mag-ingat
- MAG-INGAT: SCAMMERS GAMIT ANG NCAP
- NBI AAKSIYUNAN ANG SAGOT NI VP SARA SA ALEGASYON NI GRACIOSO
- MASTER SERGEANT TANGGAL SA PWESTO
- Bebot na “tulak”, nalambat
- Piolo Pascual ganado ngayong Pasko

