Mahigit P25 milyong halaga ng mga alahas at P1 milyong cash ang tinangay ng pitong kalalakihang suspek nang holdapin ang isang jewelry store sa Barangay San Gabriel, General Mariano Alvarez (GMA), Cavite, 9:00 ng umaga nitong Lunes July 6, 2026.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng GMA Municipal Police Station sa mga empleyado ng Jewelry store nagpanggap umanong kostumer ang isa sa mga suspek bago pinapasok ng magkakasunod ang iba pang mga kasabwat na holdaper.
Dalawa umano sa mga suspek ang may dalang mga baril at tinutukan ang mga empleyado at pinadapa habang nilimas ang mga alahas na nakadisplay sa showcase at nasabing halaga ng pera. Matapos ang insidente mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo bitbit ang mga bag na naglalaman ng mga alahas at perang ninakaw sa nasabing establisimyento.
Nakuhanan pa ng CCTV ang mga plaka ng mga motorsiklong ginamit sa pagtakas ng mga holdaper at inaalam na rin kung sino ang mga nagmamay ari nito patuloy naman ang ginagawang manhunt operation ng mga awtoridad para sa agarang pag aresto sa mga suspek. Nag-alok na din ng pabuyang P100,000 ang may ari ng tindahan ng mga alahas para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng mga suspek na responsable sa nangyaring holdapan.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
