Nasawi ang dalawang menor de edad at 11 ang sugatan nang sumalpok ang isang wing van truck sa isang jeepney na kasama sa prusisyon ng libing sa national highway sa Barangay Concepcion, Batangas City.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, tinatahak ng wing van truck na minamaneho ng isang alyas Ronnie, 55-anyos, ang inner lane ng highway nang umano’y mawalan ng preno habang papunta sa Barangay Mahabang Parang.
Dahil sa pagtatangkang iwasang bumangga sa mga sasakyang nakahinto, iniliko umano pakanan ang truck ngunit sa halip ay nasalpok ang kanang bahagi ng isang Isuzu jeepney na minamaneho ng isang Dominador, 58-anyos, na tumatawid at papasok na sa entrance ramp ng Eternal Gardens cemetery.
Sa lakas ng impact, dalawang menor de edad na sakay ng jeepney ang nasawi, habang ang iba pang pasahero ay nagtamo ng mga pinsala at isinugod sa iba’t ibang pagamutan, kabilang ang Batangas Medical Center, St. Camillus de Lellis Hospital, Health Care Specialist Hospital at San Jose District Hospital.
Kabilang sa mga isinugod sa ospital ang mga suagatan na may mga edad 43 hanggang 77 taong gulang, gayundin ang isang 32-anyos na helper na sakay din ng jeepney.
Nasa kustodiya na ng Batangas City Police Station ang driver ng wing van truck para sa kaukulang disposisyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.
====
Trending
- Carlos Alcaraz, umusad na sa Quarter-finals ng US Open
- Pilipinas napiling maghost ng last window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers
- Janine prinsesa ni Jericho
- Ryan Bang, Max Collins grabe mukbang-an
- Awra Briguela nagulat sa pagkakahawig kay Kendra Kramer
- Water bills lolobo
- 26 estudyante nasawi sa sunog at stampede sa 2 iskul sa DR Congo
- Sarangani niyanig ng 3.9 magnitude na lindol
