Janno, nagsori kay Manilyn

May tamang panahon ang pagpapatawad.
At dumating na nga ito sa kaso ni Manilyn Reynes na hiningan ng tawad ni Janno Gibbs.
Napapayag kasing mag-guest si Manilyn sa YouTube channel nina Janno at Bing Loyzaga.
Doon ay sinsero namang humingi ng dispensa si Janno dahil nasaktan niya si Mane when they were still sweethearts.
Si Bing kasi ang itinuturong dahilan why Mane and Janno broke up.
Sobrang devastated nga si Mane sa naging turn of events–that led her to recording her hit single Sayang na Sayang.
But in fairness to her, inamin niya mismo kay Bing na hindi siya galit dito o masama ang loob na ito ang pinakasalan ni Janno.
Napatawad na din daw ni Manilyn si Janno.
Gumaan daw ang kanyang loob when she ended up marrying Aljon Jimenez, her contemporary in That’s Entertainment.
Ang ending–Janno, Bing and Manilyn sang a 90s love song together.

Share.
Exit mobile version