Diretsahang inamin ni Janine Gutierrez na hindi siya kaibigan ng alinman sa kanyang mga dating karelasyon, bagama’t nilinaw niyang wala naman siyang isinasarang pinto sa posibilidad na mangyari ito balang-araw.
Sa isang vlog interview, mabilis na sinagot ng aktres ang tanong kung friends ba siya sa kanyang mga ex. Sabay-tawa niyang sinabi, “No.”
Gayunman, ipinaliwanag ni Janine na naniniwala siyang posible pa ring maging magkaibigan ang dating magkarelasyon dahil may mga kakilala siyang nagawang mapanatili ang maayos na samahan matapos ang hiwalayan.
“I know people who are friends with their exes, so I can see how it’s possible,” paliwanag ni Janine.
Hindi na idinetalye ng aktres kung bakit hindi niya napanatili ang pakikipagkaibigan sa kanyang mga dating nobyo.
Matatandaang naging karelasyon niya sina Elmo Magalona mula 2014 hanggang 2016 at Rayver Cruz mula 2017 hanggang 2021.
Na-link din siya kay Paulo Avelino, ngunit hindi nila kailanman kinumpirma ang tunay na estado ng kanilang relasyon.
Sa kasalukuyan, masaya si Janine sa piling ni Jericho Rosales.
Samantala, ibinahagi rin ni Janine ang pinakamalaking deal breaker niya sa isang relasyon.
Para sa kanya, mahalagang magkapareho ng values at direksyon sa buhay ang magkapareha.
“That we don’t align, I guess, like on our values, and like what we see our lives looking like, parang gano’n,” ani Janine.
Ipinaliwanag pa ng aktres na hindi sapat ang pagmamahalan lang kung magkaiba naman ang pangarap at direksyon ng dalawang tao.
“Kasi parang sometimes, ‘di ba, you love someone but then, paganu’n (magkaiba ng direksyon) kayo, so wala rin, ‘di ba? So, that’s something that I’ve learned also na you know, it’s not enough to just be in love. It’s like a life partner that you want, you know, to build things with,” dagdag pa ni Janine.
Trending
- Tubig ng Angat Dam, bahagyang tumaas dahil sa LPA
- P10.2m shabu nasamsam sa bebot sa Iligan City
- Paslit, 2 pa patay sa banggaan
- 77-anyos, patay sa kuyog ng mga bubuyog sa Leyte
- Ex-bgy. secretary binaril sa labas ng bahay
- Perjury, cyber libel cases vs Baligod, 18 ‘maleta boys’
- Defensor, Espiritu humirit ng piyansa sa plunder case
- Imee Marcos nahalal na Senate Deputy Minority Leader
