Natupok ng apoy ang isang pampasaherong bus  habang nakaparada sa terminal nito sa Roxas, Oriental Mindoro nitong Linggo ng umaga
Sa video na nakunan ng residenteng si Tintin Sanchez, makikita ang Gold Star Bus na pinapatakbo ng Ceres na nilamon ng apoy sa terminal sa Barangay Bagumbayan.
Ayon kay SFO3 Querube Peradilla, officer-in-charge ng Roxas Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog 8:14 ng umaga at naapula 8:30 ng umaga.
Kararating lang ng bus galing Maynila, at nakababa na ang lahat ng pasahero nang magsimula ang sunog.
Ayon kay Peradilla, batay sa inisyal na imbestigasyon, maaaring nagsimula ang sunog sa mga kable ng aircon ng bus.
Walang naiulat na nasugatan.

Share.
Exit mobile version