Nag-declutter si Janice de Belen.
At ang napagtripan niyang iligwak ay mga gamit sa kusina, tulad ng utensils.
Sa kanyang Instagram post na may titulong *Decluttering Assorted Items for Serving*, makikitang iniligpit ng aktres ang mga plato, puswelo of different colors, sizes, and designs.
Halaga ng plato: P380.
May blue-colored serving plate na, ayon sa paglalarawan ni Janice, ay “unused but incomplete.”
Ang presyo: P350.
Makikita ring hindi magkakapartner ang mga kutsara’t tinidor.
Gayundin ang mga dessert spoon.
In fairness, honest naman si Janice sa kanyang sales pitch na hindi na kumpleto ang set—as is, where is.
Hindi kasama sa presyo ang delivery o shipping fee na iso-shoulder ng buyer.
Marami naman ang nag-mine sa mga items niya.
Ang mga sold-out kitchen items ay tinanggal na sa IG gallery ni Janice.
At least, raket din ‘yon!
======
Trending
- P1.3-m Ismagel yosi nasamsam sa Sarangani
- Pekeng water delivery boy nagnakaw sa faculty room
- ASEAN police, bubuo ng task force vs online scam
- Ginang huli sa pagpapakalat ng bomb threat sa iskul
- Bahay ni Torre sa Davao pinasok ng baha
- P2.5m iligal na mantika nasamsam sa Batangas
- Babaeng manager patay sa ambush
- Patrolman, arestado sa panggagahasa ng 14-anyos
