Sa isang panayam, natanong ang magaling na actress na si Janice De Belen hinggil sa stand niya sa pakikipagtrabaho sa ex na si John Estrada.
Nasabi kasi niya noon na ‘di niya bet makatrabaho ang isa sa tatay ng kanyang mga anak.
Nang mabuksan uli ang isyu, iginiit niya na wala pa ring nagbabago sa kanyang desisyon.
Sey pa niya, ayaw daw niyang maging problema pa sila sa produksyon kung sakaling magkaroon ng pagkakataon na magsama sila sa isang proyekto.
“My reasons are still the same,” aniya.
Hirit pa niya, magiging ‘di makatrarungan na may madamay pang tao sa kanilang sitwasyon.
“Kung magiging problema lang kami para sa mga direktor, katrabaho, sa producer, it’s unfair to them,” paliwanag niya.
Dagdag pa niya, personal daw ang rason niya sa pagtanggi na makasama ang dating mister.===
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

