Naging paksa ng usapan sa social media si Janice de Belen matapos mamataan sa birthday celebration ni Kyle Echarri noong Lunes.
Bagama’t simpleng pagdalo lamang sa ika-23 kaarawan ng singer-actor ang ginawa ng premyadong aktres, agad itong nilagyan ng kulay ng ilang netizens.
May mga nagkumpara pa nga sa kanyang presensya sa party ni Kyle at sa umano’y hindi niya pagdalo sa birthday celebration ni Daniel Padilla.
Dahil dito, may mga nagbiro at nagtanong kung mas malapit ba umano si Janice kay Kyle kaysa kay Daniel, na madalas namang nauugnay sa anak niyang si Kaila Estrada.
Lalong nabuhay ang usapan dahil naalala ng ilang netizens ang mga lumang intriga na minsang nag-ugnay kina Kyle at Daniel sa isang kontrobersyal na after-party noong nakaraang taon.
Gayunman, wala namang anumang pahayag mula kay Janice na nagpapatunay sa mga espekulasyong ito.
Para sa maraming observers, maaaring simpleng pakikiisa lamang ng aktres sa espesyal na araw ng isang kaibigan sa industriya ang kanyang ginawa.
====
Trending
- P1.3-m Ismagel yosi nasamsam sa Sarangani
- Pekeng water delivery boy nagnakaw sa faculty room
- ASEAN police, bubuo ng task force vs online scam
- Ginang huli sa pagpapakalat ng bomb threat sa iskul
- Bahay ni Torre sa Davao pinasok ng baha
- P2.5m iligal na mantika nasamsam sa Batangas
- Babaeng manager patay sa ambush
- Patrolman, arestado sa panggagahasa ng 14-anyos
