Invested ang mga netizen sa tila pagdadabog ni Janella Salvador kay Klea Pineda.
Ibinihagi ni Janella ang vide sa TikTok na umani na ng mahigit 3.5 million views.
Sa naturang clip, unang inalok ni Klea si Janella ng kanyang kinakain sa pamamagitan ng linyang, “Wanna try mine?”
Agad namang sumagot ng “Yes!” si Janella at tinikman ang pagkain nito.
Pero nang si Janella naman ang nag-alok kay Klea, mabilis itong tumanggi at sinabing, “No, thank you.”
Dahil dito, nagkunwari namang nagtampo at nagdabog ang aktres, na siyang lalong ikinatuwa ng mga manonood.
Dahil sa viral clip, mas lalo pang dumami ang humahanga sa samahan nina Janella at Klea, na para sa kanilang supporters ay may kakaibang charm at nakakakilig na dynamic.
====
Trending
- Lady Red Spikers nakamit ang ikalawang tagumpay
- Qatar tinambakan ang Iran 9 days bago ang opening ceremony ng Asian Games
- Isabelle Daza nagregalo ng cellphone sa tindera
- Katherine Luna fan mode nang makasama mga sikat na artista
- Dina Bonnevie sobrang love ang manugang niyang si Kristine Hermosa
- BARMM elections madugo
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre
- 55 wildlife traders, timbog sa operasyon ng DENR
