Wagi ang vlogger-actress na si Ivana Alawi ng dalawang award sa kauna-unahang FAMAS Broadcast Arts Awards.
Kinilala si Ivana bilang Best Host for Public Service kung saan naka-tie nito ang journalist na si Kara David.
Bukod dito, si Ivana rin ang nanalo ng Best Public Service Show award.
“Still can’t believe na nanalo tayo ng 2 FAMAS Awards,” mensahe ni Ivana na kanyang ipinoste sa kanyang social media accounts.
“Maraming salamat, FAMAS, sa tiwala. At higit sa lahat, maraming salamat sa bawat isa sa inyo na patuloy na nanonood, sumusuporta, at naniniwala sa lahat ng ginagawa ko.
“Hangga’t may kakayahan ako, hindi ako magsasawang tumulong at ibalik ang pagmamahal na binibigay ninyo sa akin,” ayon pa kay Ivana.
=====
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
