Mabilis na kumalat sa social media ang isang dokumento na nagpapakita ng reklamo ni Dominique “Nikki” Lopez Benitez, asawa ni Congressman Albee Benitez, kaugnay sa umano’y paglabag ng kanyang mister sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.
Sa sinumpaang pahayag ni Nikki Benitez, kabilang sa mga alegasyon ang marital infidelity ni Congressman Albee Benitez, at pinangalanan dito si Ivana Alawi bilang kabit ng pulitiko. Nakasaad sa bahagi ng dokumento sa ilalim ng section 24.4.6. na:
“While I heard rumors of Respondent’s infidelity early on, I had no proof of such facts. It was only when I received the Petition for Declaration of Nullity of Marriage filed by Respondent and after reading the admission of Respondent of having fathered two illegitimate children, and his implied admissions of his current illicit relationship with Ivana Alawi, that I was able to confirm his marital infidelity.”
Aniya pa, labis siyang nadismaya at nalungkot nang matuklasan ang mga katotohanang itinago sa kanya.
Matatandaang noong nakaraang taon, personal nang naglabas ng pahayag si Ivana Alawi upang itanggi ang pagkakadawit sa nasabing isyu. Sa kanyang pag-amin, sinabi niya:
“HINDI PO AKO ANG NASASABING girlfriend ni Mayor Albee Benitez.”
“Nakilala ko siya nang ako ay nagtatrabaho sa Bacolod. Siya ay magalang at palakaibigan. Hindi lamang siya ang politiko na aking nakilala at naging kaibigan.”
Dagdag pa ni Ivana, kasalukuyan siyang may karelasyon na isang respetadong negosyante, hindi politiko.
“Sana ay makatulong ito upang linawin ang aking pangalan at putulin ang mga maling balita.”
Nanawagan si Ivana na ito na ang una at huling pagkakataon na magsalita siya tungkol sa kontrobersya upang mapanatag ang lahat ng nasasangkot.
Bukas naman ang pitak na ito para sa panig ni Ivana o ng iba pang sangkot sa isyu.
=====

Share.
Exit mobile version