Sino ang mag-aakalang ang loding si Ivana Alawi ay kering-keri ang buhay-bukid? Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinahagi ni Ivana ang kanyang experience sa labas ng maingay na siyudad.
Kasama ang kaibigan at kapwa content creator na si Alexis Vines, sinulit ng dalawa ang sariwang hangin at payak na pamumuhay.
Sa mga larawan na kanyang ibinahagi sa Facebook, makikitang game na game si Ivana sa iba’t ibang aktibidad.
Hindi ininda ng aktres ang putik at dumi habang may hawak na timba at ipinapakita ang kanilang nahuling mga alimango at suso.
Kitang-kita rin ang saya ni Ivana habang nakatalikod at nakaharap sa malawak na luntiang bukirin at bundok. Sinubukan din niyang maglaba sa ilog kasama si Alexis.
Suot ang komportableng damit at bota, pinatunayan ni Ivana ang natural na ganda kahit sa gitna ng init.
Maikli ngunit punong-puno ng saya ang caption niya sa kanyang post: “Probinsya. Salamat Alexis Vines sobrang nag enjoy ako.”
Dinagsa naman ng heart emojis at positibong komento mula sa fans ang nasabing post. Marami ang humanga sa pagiging down-to-earth ng aktres sa kabila ng kanyang kasikatan.
Pero bago matapos ang kanyang vlog, hindi nalimutan ni Ivana na mamigay ng biyaya. Binigyan niya ang nagpalaki kay Alexis ng P100,000.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

