Pitong milyong pisong halagang isda ang naging pulutan nang nakawin at katayin ng tatlong kalalakihan sa isang resort sa Barangay Bantigue sa Pagbilas, Quezon.
Ang isdang Arapaima na may habang 6.7 talampakan, may timbang na 90 kilo at 25 taon nang alaga ng isang resort ay ninakaw noong nakaraang Lunes.
Nasa kostudya na ng pulisya ang tatlong trabahador ng resort nang i-report ng nakasaksi sa foreman at security guard ng resort ang pangyayari.
Batay sa mga ulat, ninakaw ng tatlong resort staff ang isda mula sa palaisdaan ng Costa Solano Resort and Leisure Park.
Dinala ang isda sa isang bahay sa loob mismo ng bakuran ng resort, kinatay para umano kainin at pulutanin.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan
