INANUNSYO ng Iglesia ni Cristo (INC) nitong Miyerkules na ililipat nito ang protesta sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
Ito ay matapos bawiin ng Quezon City Department of Public Order and Safety ang permit ng kanilang rally para sa Hulyo 2.
Ayon kay Quezon City Department of Public Order and Safety Head Elmo San Diego, binawi ang permit para sa ikatlong araw sana ng rally matapos ang mga reklamong natanggap mula sa mga residente.
“We will go to the place where we can gather, without the need to secure a permit. Let us see one another at Liwasang Bonifacio in Manila,” ayon sa mga organizer.
Sa ilalim ng Public Assembly Act of 1985, hindi na kailangan ng permit para magsagawa ng pagtitipon sa Liwasang Bonifacio, na itinalagang isang freedom park.
Ayon kay Manila City Administrator Atty. Eduardo Quintos XIV, maaaring magsagawa ng pagtitipon sa naturang lugar dahil isa itong government-designated freedom park.

Share.
Exit mobile version