Sinabi ni Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na ang impeachment hearings laban kay Vice President Sara Duterte ay magpapatuloy dahil hindi nag-isyu ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO).
“Wala na pong makakapigil sa pagdinig pong ito… Nagkaroon po ng ikatlong petisyon kahapon, pero ito po ay pag-uulit lamang ng mga original points ng [Atty. Israelito] Torreon complaint. So, ang sinasabi nga po natin, parang nagsasayang ng papel, ito pong mga abogado,” sinabi ni Ridon, miyembro ng House Committee on Justice.
Noong Miyerkules, hindi naglabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema bago ang pagpapatuloy ng House justice committee hearing sa Abril 14.
Sa kabila nito, inatasan ng SC ang House justice committee na tumugon sa consolidated petitions na inihain ni Duterte at ng ilang abogado.
“Dahil hindi po naglabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema at nag-order lamang po na magbigay ng komento, ang House of Representatives…ay magpapatuloy ang mga pagdinig na magsisimula po sa April 14,” paliwanag ni Ridon.
“So, inaasahan po natin na lahat po ng mga na-subpoena ng mga tao, personalidad, mga dokumento, ebidensya ay maisasalang po sa araw po na iyon. So kasama po rito yung pong pagsalang kay Ramil Madriaga,” dagdag pa niya.
Ang unang petisyon para sa TRO ay inihain sa SC noong Marso 27 nina Atty. Israelito Torreon, Vic Rodriguez, Rescie Angelli Rizada-Nolasco, Martin Delgra III, Wendel Avisado, James Patrick Bondoc, Raul Lambino, Luna Maria Acosta-Manlitoc, Jesus Hinlo Jr., at Dr. Richard Mata.
Naghain naman ng hiwalay na petisyon si Duterte noong Marso 30.
Sa kanyang petition for certiorari, iginiit ni Duterte na ang pagdinig ng House justice panel ay unconstitutional at wala itong kapangyarihan na magsagawa ng paglilitis.
Trending
- Mahigpit na regulasyon sa LPG industry, itinutulak
- Matinding init patuloy, walang bagyo ngayong Abril
- Mataas na suweldo, plantilla position para sa mga komadrona itinulak
- Gen Z mas tumibay sa gitna ng krisis – Cayetano
- Edukasyon, licensure, training ng guro, irereporma sa Senado
- Meralco customers, aasahan ang pagtaas ng singil sa kuryente simula Setyembre
- 1.3M Pinoy maapektuhan ng pagtaas ng presyo ng langis
- PhilHealth: benefit package para sa heat-related illnesses

