Nagbabala si Senate President Vicente Sotto III laban sa posibleng delaying tactics sa oras na umabot sa Senado ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Aniya, walang pangangailangan na amyendahan ang kasalukuyang impeachment rules ng kapulungan.
Ani Sotto, ang kasalukuyang framework ay nasubok na sa mga nakaraang proceedings, kabilang ang impeachment trial ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.
Naniniwala siya na ang anumang mosyon para amyendahan ito ay magdudulot lamang ng kalituhan.
“I don’t see any shortcomings there that still need to be addressed,” sinabi pa ni Sotto nang tanungin kung kailangan ang pag-amyenda sa kasalukuyang impeachment rules at supplementary application ng Rules of Court.
Sinabi pa ni Sotto na pamilyar siya sa mga panuntunan dahil isa siya sa nagtrabaho rito nang majority leader pa at si dating Senador Juan Ponce Enrile pa ang senate president nang maipasa ito noong 2011.
Kung maipapasa ang Articles of Impeachment sa Senado, nagbabala si Sotto na ang reopening ng rules ay magdudulot ng mga delay sa pagdinig.
Ito ay dahil ang pag-amyenda ay dadaan pa sa publication at iba pang procedural requirements.
“The public will clearly see who are simply causing trouble in the Senate when that happens,” ayon sa Senate President.
Trending
- Delos Santos nagwagi ng 3 ginto sa Asian weightlifting
- Rene Baterbonia merchandise ibinebenta sa P650 ang jersey, P350 ang keychain
- Fans, masaya sa pagbabalik ni Kris sa limelight!
- Dimples, kinulit sa advice para kay Bea
- Kier at anak na si Dani, magkasundo na
- Hagonoy, Bulacan isinailalim sa State of Calamity
- ASF kumalat na sa 5 barangay sa Bacolod
- 132 motorsiklo, na-impound sa Oplan Lambat-Bitag sa Kabacan

