Nag-alala ang mga faney ni Sofia Andres nang biglang maglaho ang kanyang official Instagram account.
Nitong Sabado, Marso 28, nagbigay ng update ang aktres sa pamamagitan ng kanyang TikTok account upang ipaliwanag ang nangyari.
Ayon kay Sofia, ang pagkaka-deactivate ng kanyang account ay hindi dahil sa paglabag sa anumang rules kundi dahil sa isang system issue na nakaapekto sa maraming users.
Kasalukuyan na umanong nakikipag-ugnayan ang aktres sa Meta (ang kompanyang nagmamay-ari ng Instagram at Facebook) upang maibalik ang kanyang account.
“Account deactivated. My Instagram Account is currently under review — looks like a system issue affecting multiple accounts. Already being fixed. Thank you for the support,” mensahe ni Sofia sa kanyang followers.
Nang aming i-search ang kanyang pangalan sa Instagram nitong Sunday, March 29, nakasaad ang “sorry, this page isn’t available.”
Si Sofia ay kinilalang isa sa most followed Filipino celebrities sa Instagram noong 2020 dahil sa lampas 5.8 milyong followers niya.
Trending
- Bolts pinahiya ang Macau 115-110
- Karl Eldrew Yulo nagtapos sa pang-pitong puwesto sa floor exercise ng Gymnastics World Cup
- ‘Game of Thrones’ actor pumanaw @ 35
- Kaila Estrada ‘proud GF’ ang peg sa pag-flex kay Daniel Padilla
- Blackpink Jennie bagong global ambassador ng Ray-Ban
- 2 Pinoy church leaders, itinalaga ng Santo Papa sa Vatican comms body
- Medical fair sa mga drayber ilulunsad ng DOH sa Abril 16
- ‘Di awtorisadong taas-presyo ng bilihin, babantayan ng PNP

