Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Proclamation No. 1265 na nagdedeklara sa buwan ng Hunyo bilang “Judiciary Month” bilang pagkilala sa ika-125 anibersaryo ng Korte Suprema.
Sa naturang proklamasyon na inamyendahan noong Mayo 21, binigyang-diin ni Marcos ang mahalagang papel ng hudikatura sa pagpapatupad ng batas at maayos na sistema ng hustisya.
Layunin din ng pagdiriwang na palawakin ang kaalaman at pagpapahalaga ng publiko sa hudikatura bilang mahalagang haligi ng demokratikong pamahalaan.
Ayon sa proklamasyon, ang pagpapalawig ng selebrasyon sa buong buwan ng Hunyo ay magbibigay ng mas mahabang panahon para sa mga programa at aktibidad na nagtataguyod ng judicial integrity, independence, accountability, at efficiency.
Inatasan din ng Pangulo ang lahat ng ahensya ng gobyerno na makiisa at tumulong sa pagpapatupad ng Proclamation No. 1265.
Itinatag ang Korte Suprema noong Hunyo 11, 1901 sa pamamagitan ng Act No. 136 ng Philippine Commission. Ang unang Chief Justice nito ay si Cayetano Arellano.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo, nagsagawa ang Korte Suprema ng iba’t ibang aktibidad sa ilalim ng temang “SC: 125 Years of Tradition and Innovation.”
Trending
- Hunyo idineklarang “Judiciary Month” ni PBBM
- ‘Pinas tinanggal ban sa Belgian poultry
- Ping Lacson aminadong naisip mag-resign sa Senado
- Pia Cayetano nangumusta, naka-move on na sa pagiging emosyonal sa Senado
- DOH todo bantay sa mga border ng bansa vs Ebola
- US green card seekers kailangan nang mag-apply mula sa home country
- PBBM, pinalakas ang ugnayan ng Pilipinas sa Global Development Programs
- Jacamos sasabak para sa bakanting WBC Youth World junior fly sa South Africa
