Sugatan ang isang Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) personnel matapos ma-hit-and-run sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX) southbound malapit sa MCX Exit sa San Pedro, Laguna nitong Sabado.
Sa dash cam video, makikitang humarurot ang isang puting SUV na kumabig pakaliwa at sumalpok sa motorsiklong minamaneho ng PNP-HPG personnel. Sa halip na huminto ay agad lamang itong humarurot palayo.
Ayon sa PNP-HPG, stable na ang kondisyon ng kanilang tauhan matapos magtamo ng minor injuries.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad katuwang ang pamunuan ng SLEX upang matukoy at mapanagot ang driver ng SUV na responsable sa insidente.
Hinikayat din ang publiko na magbigay ng anumang impormasyon na makakatulong sa kaso.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

