Inatasan ng House Committee on Justice ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na isumite ang tax records ni Vice President Sara Duterte at ng kanyang asawang si Mans Carpio.
Ito ay bilang bahagi ng nagpapatuloy na pagdinig ng House Justice panel kaugnay ng inihaing mga impeachment complaint laban kay Duterte.
Saklaw ng pinasusumiteng dokumento ng komite ang income tax returns ng mag-asawa mula taong 2007 hanggang 2025.
Sa inilabas na subpoena, pinadadalo rin si BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza sa pagdinig ng House Justice Committee na nakatakda sa Abril 14.
Trending
- Carlos Alcaraz, umusad na sa Quarter-finals ng US Open
- Pilipinas napiling maghost ng last window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers
- Janine prinsesa ni Jericho
- Ryan Bang, Max Collins grabe mukbang-an
- Awra Briguela nagulat sa pagkakahawig kay Kendra Kramer
- Water bills lolobo
- 26 estudyante nasawi sa sunog at stampede sa 2 iskul sa DR Congo
- Sarangani niyanig ng 3.9 magnitude na lindol
