Nakumpiska ang sampung abandonadong parcel na naglalaman ng iba’t-ibang klase ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng mahigit P29 milyon sa isang exchange center na imbakan ng mga parcel sa Pasay City nitong Lunes, Hunyo 15.
Sa inisyal na report ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG), naganap ang interdiction operation na nagresulta sa pagkakadiskubre at pagkumpiska ng iba’t-ibang uri ng ilegal na droga 11:30 ng tanghali sa Central Mail Exchange Center (CMEC), Domestic Road, Pasay City.
Kabilang sa mga kinumpiskang ilegal na droga ang 2,472 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P16,809,600; 5,239 gramo ng hinihinalang marijuana kush na may halagang P7,585,500; mahigit 100,000ml. ng hinihinalang liquid marijuana na nagkakahalaga ng P5,000,000; at 99 piraso ng iba’t-ibang kulay na tableta na pinaghihinalaan namang ecstasy na nagkakahalaga ng P168,300.
Ang mga kinumpiskang ilegal na droga ay idineklarang mga snacks, instant coffee powder, decorative flowers, protein shake powder, inhaler, seaweed snack, LyxPro Speaker System SPA 8 Co, Toffy Candy, Jouet pour enfant, Cruze Spun sediment water at sediment water filter kung saan nanggaling ang mga ito sa iba’t-ibang bansa na Thailand, Estados Unidos, India at Paris sa France.
Ang mga nakumpsikang eibdensya ay dinala sa PDEA Laboratory Service para isailalim sa laboratory examination.
Nahaharap ang mga sangkot na indibidwal sa kasong paglabag sa Section 4 Art. Il ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs of 2002 sa Pasay City Prosecutor’s Office.
Ang NAIA-IADITG ay binubuo ng mga operatiba ng PDEA RO NCR kabilang ang Bureau of Customs – Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (BOC-CAIDTF); PNP Aviation Security Group (AVSEG); Airport Police Department (APD); PNP Drug Enforcement Group (DEG); National Bureau of Investigation (NBI); at ng Bureau of Immigration (BI).
Trending
- Joey Salceda may ‘mataas na posisyon’ sa PBBM admin
- Eastern Visayas ang Mapana, Northern Samar gagawing fishery hub
- Higit P29m droga, nakumpiska sa Pasay
- Top 1 most wanted sa Occ. Mindoro tiklo sa Bulacan
- Comelec nagsimula na sa disposal ng ‘di nagamit na balota sa BARMM poll
- ‘Pinas magbubukas ng mga embahada, konsulada sa ibang mga bansa
- P2.6m ismagel yosi nasamsam sa Cotabato
- Bea, suot pa rin ang singsing
