Umabot sa 2,051 ang kaso ng dengue na naitala sa Maynila mula Enero 1 hanggang Hulyo 27, pinakamataas sa mga water-borne, influenza-like illnesses, leptospirosis, at dengue diseases na minomonitor ng Manila Health Department.
Ayon sa Public Information Office ng lungsod, nadagdagan ng tatlong bagong kaso ng dengue ang bilang nitong Hulyo 27.
Sa kaparehong panahon, nakapagtala rin ang Maynila ng 816 kaso ng influenza-like illnesses, 259 severe acute respiratory infections, 108 leptospirosis cases, 72 kumpirmadong Covid-19 cases, 61 typhoid fever cases, at tatlong cholera cases.
Noong Hulyo 27 lamang, nakapagtala ang lungsod ng apat na bagong kaso ng severe acute respiratory infection, tatlong leptospirosis cases, tatlong dengue cases, dalawang kumpirmadong Covid-19 cases, at isang typhoid fever case.
Batay ang mga datos sa Electronic Disease Case Surveillance Information System report na nakuha alas-5 ng umaga noong Hulyo 27.
Pinaalalahanan ng Manila Health Department ang mga residente na panatilihing malinis ang kapaligiran, alisin ang mga naipong tubig na maaaring pamugaran ng lamok, iwasang lumusong sa baha, at agad magpakonsulta kapag nakaranas ng sintomas.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan
