Mahigit 14,000 kilo ng expired na karne at iba pang food products ang nakumpiska sa magkahiwalay na operasyon ng National Meat Inspection Service (NMIS), National Bureau of Investigation (NBI), at City Veterinary Services Office (CVSO) sa Valenzuela City.
Nasamsam ng NMIS at NBI ang 7,600.21 kilos ng expired na imported frozen meat products, kabilang ang beef, pork, at chicken, na umano’y ibinebenta online sa Barangay Arkong Bato. Nasa pangangalaga na ng NMIS ang mga nakumpiskang produkto at isasailalim sa disposal ng Bureau of Animal Industry.
Sunod na nakumpiska rin ng CVSO ang 6,941.36 kilo ng iba’t ibang food products sa Barangay Gen. T. de Leon. Kabilang sa mga ito ang karne ng baboy, baka, manok, seafood, duck breast, gulay, french fries, at iba pang produktong idineklarang hindi na ligtas para sa konsumo matapos ang isinagawang inspeksyon.
Patuloy namang pinaaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na bumili lamang ng karne at iba pang produktong pagkain mula sa mga lehitimo at mapagkakatiwalaang tindahan upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang kalusugan.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
