Nasa tinatayang higit 137 na ektaryang lupain sa Sarangani at Davao Occidental ang posibleng naapektuhan ng landslide dulot ng magnitude 7.8 na lindol noong Hunyo 8.
Batay sa datus ng Philippine Space Agency (PhilSA), natukoy ang mga apektadong lugar sa mga bayan ng Glan, Sarangani at Jose Abad Santos, Davao Occidental gamit ang satellite images bago at matapos ang lindol.
Batay sa pagsusuri, nakitaan ng malaking pagkawala ng vegetation o mga halamang tumatakip sa lupa, na indikasyon ng posibleng pagguho ng lupa.
Sinabi ng PhilSA na ginagamit ang satellite data upang matulungan ang NDRRMC at PHIVOLCS sa pagtukoy ng mga lugar na dapat bigyang prayoridad sa monitoring at response operations.
Patuloy pa ang pagmamanman ng ahensya habang hinihintay ang ground validation sa mga natukoy na landslide areas.
Trending
- P1.3-m Ismagel yosi nasamsam sa Sarangani
- Pekeng water delivery boy nagnakaw sa faculty room
- ASEAN police, bubuo ng task force vs online scam
- Ginang huli sa pagpapakalat ng bomb threat sa iskul
- Bahay ni Torre sa Davao pinasok ng baha
- P2.5m iligal na mantika nasamsam sa Batangas
- Babaeng manager patay sa ambush
- Patrolman, arestado sa panggagahasa ng 14-anyos
