Isang retiradong rear admiral umano ng Philippine Navy at miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1976 ang nakuhanan sa viral video na nagpakilalang heneral at nanutok ng baril sa isang motorista dahil sa alitan sa parking.
Ito ang ibinunyag ng beteranong kolumnista na si Ramon “Mon” Tulfo sa isang Facebook post nitong Sabado.
Sa naturang video, makikitang pinapaalis ng lalaki ang driver na kumukuha ng video habang nakaparada malapit umano sa kanyang bahay. Maririnig din ang pagmumura nito habang hawak ang kanyang baril.
“Siya si retired Rear Admiral Ramon Punzalan, member ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1976 at dating Chairman at CEO ng PMA Alumni Association,” ani Tulfo.
“I’m sure this guy, being in the Navy, didn’t experience combat when he was in the service, the reason he’s taking it out on an unarmed civilian to prove he’s a man. You’re a coward, Admiral sir!” dagdag niya.
Ipinaliwanag din ni Tulfo na katumbas ang isang rear admiral ng isang major general sa Army, Air Force, o Marine.
Samantala, sinabi ng Mandaluyong City Police Station na patuloy ang imbestigasyon sa insidente, kabilang ang pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga sangkot at ang legalidad ng baril na ipinakita ng retiradong opisyal.
Nire-review rin ng mga awtoridad ang kumakalat na footage at kumukuha ng mga pahayag ng mga saksi upang matukoy ang buong pangyayari na nagresulta sa komprontasyon.
“In the meantime, the Mandaluyong City Police asks the public for calm, cooperation, and responsible action. During disputes, everyone is urged to de-escalate and settle conflicts peacefully through respectful communication, or by seeking help from barangay officials or the police—never through threats or weapon displays,” pahayag ng Mandaluyong City Police Station.
Pinaalalahanan din nito na ang pagmamay-ari at pagdadala ng baril may kaakibat na mabigat na responsibilidad at ilegal ang paggamit nito sa pananakot at magreresulta sa kaukulang legal at administratibong hakbang.
Hinimok din ng pulisya ang mga sangkot at sinumang may impormasyon na makipagtulungan sa imbestigasyon para sa patas at masusing pagresolba ng insidente.
Trending
- P1.3-m Ismagel yosi nasamsam sa Sarangani
- Pekeng water delivery boy nagnakaw sa faculty room
- ASEAN police, bubuo ng task force vs online scam
- Ginang huli sa pagpapakalat ng bomb threat sa iskul
- Bahay ni Torre sa Davao pinasok ng baha
- P2.5m iligal na mantika nasamsam sa Batangas
- Babaeng manager patay sa ambush
- Patrolman, arestado sa panggagahasa ng 14-anyos
