Inanunsyo ng GSIS na ang mga miyembro at pensionado na nakatira o nagtatrabaho sa mga sumusunod na lugar ay maaaring mag-apply para sa emergency loan hanggang Agosto 24, 2025.
Sakop nito ang mga nakatira sa mga bayan ng Agoncillo (Batangas), Balagtas (Bulacan), Malasiqui (Pangasinan), Roxas (Palawan); mga lalawigan ng Bataan at Pampanga; at Lungsod ng Dagupan (Pangasinan).
Dagdag ito sa limang lugar na naunang binuksan para sa loan application: Cavite, Quezon City, Umingan (Pangasinan), Calumpit (Bulacan), at Maynila.
Ayon kay GSIS Officer-in-Charge Juliet Bautista, “Ang pinalawak na coverage ay bahagi ng aming patuloy na pagtugon upang magbigay ng agarang tulong sa mga miyembro at pensionado na apektado ng Tropical Storm Crising, habagat, at mga kaugnay na kalamidad.”
Ang mga aktibong miyembro ay maaaring umutang ng ₱20,000 — hanggang ₱40,000 kung may kasalukuyang emergency loan.
Ang lawig sa panahon ng bayaran ay 3 taon; may interest rate na 6% bawat taon at walang processing fee.
Ang pensionado ay puwedeng mag-apply basta may natitirang 25% ng buwanang pension pagkatapos ng bawas
Trending
- Bagyong Ada, no classes today
- Bagyong Ada, no classes today
- Kris nag-kritikal : Lungs pumalya
- Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika
- Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan
- ₱1.5B Smuggling Bust ng PNP, Patunay ng Mas Mahigpit na Pagpapatupad ng Batas
- Goitia: Hindi Kayang Burahin ng mga Kuwento ng Tsina ang Karapatan ng Pilipinas
- Goitia: Sa West Philippine Sea, Hindi Nire-rebrand ang Soberanya
