Is social media still a safe place for us especially for our emotional and mental health?
“Think before you click!”
Gasgas na gasgas na pero mukhang hindi pa rin mastered ng netizens ang reminder na ‘yan.
Wala pa kasing isang minuto, siguradong bubulabugin ka na ng netizens oras na may makita silang ‘mali’ sa ipinost mo sa social media.
Ganyan ang naranasan ng celebrity/journalist na si Gretchen Ho.
Hindi pinalampas ng isang netizen ang Instagram post ni Ho with ambassador Ed Malaya which she captioned, “Dropped by the Philippine Embassy in The Netherlands and found out we have a seasoned diplomat and lawyer at the helm. Right person, right time, right place. Thanks for having me, Ambassador Ed Malaya!”
“Bias,” said the netizen.
Mukhang tagumpay ang netizen sa pagkuha ng atensyon ni Ho.
Ho posted a comment correcting the netizen’s grammar saying, “BIAS with an ED po. Biased. Thanks powh.”
May mga nagtanggol kay Gretchen pero meron ding sumuporta sa bashers.
Here are some of the commets:
“Ginawa kang Kpop idol! Hahaha.”
“Huwag niyo na pong pansinin mga dsshit na ‘yan.”
“And that’s the best you can do? Correct the spelling?”
“Proud ka pa? ‘Yan ang magagawa mo, mag-correct ng grammar pero ang mag-check ng totoong balita hindi niya magagawa.”
Well, netizens were quick to assume na dahil grammar lang ang pinansin ni Gretchen, eh, parang inamin na rin o tinanggap niya na biased siya.
Hmmm, ‘yun ba talaga ‘yun?
‘Yun, ‘yun ang mahirap sa social media, hindi mo rinig ang emotions!